oo, malapit na nga ang pasukan! somehow excited naman ako. although, alam ko na kelangan ko na talagang grumaduate this time! mage-eighteen years na ko sa school (kasama na ung nursery and kindergarten), at sobrang nahihiya na ako sa pamilya ko na ako na lang ang nag-aaral samin.
kelangan ko nang grumaduate. marami pa akong pangarap sa buhay ko. kahit na minsan hindi ko alam kung anu-ano yun. basta gusto ko nang makapagtapos nang sa gayon eh mapakinabangan naman ako ng pamilya ko.
ewan ko, pero minsan naiisip ko na isa akong malaking failure sa pamilya ko. kasi nga i was an honor student before. and super expected ng pamilya ko na makakapag tapos ako sa tamang oras. sana nga siguro hindi na lang ako naging honor student. sana hindi na lang ako nagsipag mag-aral dati para at least walang expectations and pressures galing sa pamilya ko.
bilib nga ako sa ate tet ko eh. ever since kasi hindi talaga sya nagpapakita ng sipag sa pag-aaral. i mean nung elementary and high school sya, konteto na sya na nasa passing grade sya. basta walang bagsak, solb! pero nung tumuntong sya ng college, sobrang pinagsisihan nya daw nung makakuha sya ng 3.0. kaya nag-aral na daw sya ng mabuti. naging dean's lister nga yun nung college sya. pero hindi man lang nya pinaalam samin. kahit sakin na lang. ayaw nya raw kasi mag-expect ng sobra-sobra sina mama at papa sa kanya. ayaw nya ng pressure. kasi sya yung tipo na mag-aaral lang kung gusto nya mag-aral, magbabasa lang kung gusto nya magbasa. ayaw nya na may mamimilit sa kanya mag-aral kung wala naman syang gana.
nung kinuwento nya sakin yun, dun ko na lahat-lahat na-realize na tama sya. may punto. kasi diba ganun naman talaga mostly yung mga magulang? minsan hindi nila alam na sobrang pini-pressure na nila yung mga anak nila. ang labas tuloy minsan,na memorize mo,pero wala na yung kung may natutunan ka ba sa nabasa mo.
ayoko na ngayon ipasa ang sisi sa pamilya ko kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa ako graduate. alam ko mas malaki ang sisi sa sarili ko kung bakit. siguro dahil masyado lang talaga akong masunuring anak. ewan ko. pero pangarap ko talaga maging engineer. hindi ko masasabing matalino ako sa math kaya ko ginustong maging engineer. dahil passing grade lang din ako sa mga math subjects ko lalo na nung high school. at sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagkaroon ako ng grade na 78! trigonometry, 2nd grading. hinding-hindi ko makakalimutan yun dahil nung tumuntong ako ng college, ni-retake ko ang trigo ko.
ginusto ko lang maging engineer dahil sa title nun kakabit ng pangalan ko. wala lang. para kasing astig kung may Engr. na nakalagay bago ang pangalan ko. hindi ko kasi talaga alam kung ano ang gusto ko nung 4th yr high school ako. basta ang alam ko, gusto ko maging engineer! dalawang entrance exam lang ang kinuhaan ko nung high school ako. UPCAT tsaka PLMAT. pumasa ako sa UPCAT pero hindi sa PLMAT. at kung tama pa nga ang pagkakatanda ko, computer engineering ang 1st choice ko sa PLMAT at communication arts major in journalism ang 2nd choice. sa UPCAT, Diliman ang 1st choice ko na school with computer engineering and ECE as 1st and 2nd choice ko na courses. Visayas naman yung 2nd choice ko na school. computer science tsaka biology. pero ang kurso ko ngayon, BS Aquaculture. masyadong malayo sa pangarap ko.
marami-rami na rin akong kakilala na nagtatanong kung ano nga ba yung kurso ko at kung ano ang magiging trabaho ko pagka graduate ko. minsan napapa-ngiti na lang ako bilang sagot. pero dun sa makukulit na pilit nagtatanong, ito ang sagot ko sa kanila: Fisheries course po yun which deals with inland fisheries. ibig sabihin, yun ang pag-culture ng mga isda sa mga fish ponds and fish tanks. hindi ko alam kung ano exactly ang magiging trabaho ko pero alam kong madaming job opportunities yun lalo na sa ibang bansa!
hindi ko minamaliit ang kurso ko. hinding-hindi ko din sinasabi na mangingisda ang kalalabasan ko. pero naniniwala ako na kung ang mga management at ibang graduates eh maraming napapasukan at nahahanap na trabaho, bilang aquaculture/fisheries student alam kong makakahanap din ako nga maraming trabaho pagka graduate ko dahil naniniwala ako na 60% ng buong mundo ang bumubuo sa yamang-tubig/dagat at 40% ang yamang-lupa. sa laki ng porsyento ng yamang-tubig/dagat malaki din ang porsyento na makakakita agad ako ng trabaho (yan ang kumpiyansa ko sa sarili ko)!
bilang aquaculture student marami akong nalaman tungkol sa mga isda at sa mga indibiwal sa ilalim ng dagat. lalong-lalo na yung mga akala ng iba eh tama pero hindi pala. ngunit hindi lang naman kami tumatalakay tungkol lahat sa isda. syempre meron din namang inter-personal communication between people.
hindi madali ang fisheries. kahit itanong mo pa sa mga grumaduate ng tama sa oras. hinding-hindi nila sasabihin na madali yun lalo na at sa UP nila kinuha yun. isang patunay na rin ang pag-aaral at pagkilala namin ng halos lahat ng uri ng isda, shells at halamang-dagat. at hindi lang basta-basta pangalan nila, scientific name, english name at local/common name ang mga pinag-aaralan namin.
masasabi kong mahirap nga talaga ang maging estudyante. pero kakabit din nito ang excitement na nakukuha ng mga mag-aaral lalo na kung bago sa kanila ang mga bagay-bagay. siguro na passion and commitment nga talaga ang kelangan para makapagtapos ako.
Posted at 04:15 pm by
celestejoyce