"Happiness is something that we can only pursue. And maybe we can actually never have it. No matter what.."
- Will Smith, "The Pursuit of Happyness"
sabi nila, happiness is a choice. being happy is a choice. siguro part na rin yun of having contentment in your life. pero minsan, mahirap maging masaya. oo, nahihirapan ako maging masaya lalo na pag marami akong iniisip na mga bagay-bagay tulad ng problema.
pero sabi ng isang kakilala ko, hindi daw dapat iniisip ang problema. kasi pag inisip mo daw yun, ikaw din mismo ang talo. sarili mo din mismo ang pinahihirapan mo. kasi ang problema, nandyan lang lagi yan sa tabi natin. hayaan na lang daw natin na yung problema mismo ang prumoblema sa'tin. tsaka, hindi naman daw yan ibibigay ni Lord kung hindi natin kaya. kumbaga, tine-test lang ni Lord yung faith natin, yung strength, and siguro tayo na rin mismo bilang tao.
pero mahirap maging masaya lalo na pag nag-iisa ka. mahirap maging positibo kapag pakiramdam mo puro negatibo ang paligid mo. mahirap maging masaya kung wala naman dahilan para magsaya. mahirap ang mag-isa.
noon, akala ko malakas ako. akala ko kaya kong mag-isa ang buhay ko. akala ko kontento na ako na mag-isa lang ako. hindi naman actually loner, pero yung tipong kaya kong mabuhay ng mag-isa. sabi nila, No man is an island. oo, naniniwala ako dun. marami naman akong mga kaibigan. kaso lang hindi naman sa lahat ng oras kasama ko sila. hindi sa lahat ng oras nasa tabi ko sila. siguro isa nang dahilan na nasanay na akong mag-isa kasi highschool pa lang medyo napalayo na ko sa pamilya ko. tas dumagdag pa nung mag-college. super na-experienced ko talaga yung maging independent. yung hindi umaasa sa iba.
pero nag-iba yun nung makilala ko at dumating sa buhay ko yung napakamahalagang taong minahal (at patuloy na minamahal) ko. nag-iba yung buhay ko kasi nakakita ako ng kakampi. nang masasandalan. nang mahihingan ng tulong sa mga problema ko. nakakita ako ng taong mamahalin ko ng walang pag-aalinlangan. naramdaman ko uli yung worth ko bilang tao. yung pakiramdam na hindi ako nag-iisa. na may karamay ako. naranasan ko muling umibig at magtiwala. na hindi importante ang nakaraan at kung ano ang meron sa hinaharap. mas mahalaga ang kasalukuyan. naramdaman ko kung pano ang mahalin. naramdaman kong maging masaya. kasiyahang hindi ko pa naranasan at naramdaman sa buong buhay ko. at natutunan kong umasa. yung tipong nakadepende na ko sa kanya. na hindi ko na kayang mabuhay ng mag-isa. kasi nariyan sya at alam kong hindi nya ako pababayaan. nasanay akong lagi syang nandyan sa tabi ko. nasanay akong lagi sya sa piling ko.
pero pakiramdam ko ngayon, mag-isa lang ako. parang napakalayo nya para damayan ako. parang hindi ko na maramdaman na nariyan sya sa tabi ko. hindi na kaya niya ako mahal? hindi nya siguro alam kung gaano ako kasaya pag magkasama kami. halos gusto kong ibalik at ihinto ang oras para hindi matapos ang araw at patuloy pa rin kaming magkasama. pero parang hindi nya kasi nararamdaman yun. parang balewala lang ako.
mahirap maging masaya kapag yung tanging dahilan na nagpapasaya sa'yo ay kusang naglalaho. mahirap ang mag-isa.
para sa pinakamamahal ko:
i always thought that my life became so happy, funny, beautiful, and much meaningful the moment you came and took my heart along. i thought our sacrifices, understandings, patience, and love for each other are enough that we could survive this so-called relationship. and eventually live happily ever after. but as what everybody's saying, there's no such thing as happily ever after. no such thing as a fairytale love story. because we are only humans. we are capable of wrong doings, of making mistakes, and of being imperfect.
i am sorry for all the pains and heartaches i caused you. sorry for my imperfections. life without you is meaningless. i love you with all my life. i still want to be back in your arms again. i love so much my Langga!