|
i had a great great weekend! went to cebu for a field trip para sa fish 116 (hatchery management) and fish 115 (fish nutrition), so kamusta naman?? masaya kahit nakakapagod, enjoy! at busog! tumaas ata ang protein content ng katawan ko. hehehe.. sarap ng mga isda! bangus tsaka grouper! yummm!! too bad nga lang, wala ni isa samin ng mga kasama ko ang nakapagdala ng camera. huh! talk about being poor! hehehe.. so pagkadating na pagkadating ng cebu, derecho agad kami ng Carcar. punta kami sa Oversea Feeds Corp fish ponds. ang lawak-lawak ng fish pond nila dun. tas punta din kami sa floating cages ng Oversea. sakay kami ng pump boat papunta dun mga floating cages. halos bangus and grouper pa rin yung kinu-culture nila dun. dami nga eh. ang yaman talaga ni Mr. Co! after sa fish pond, derecho naman kami ng feed mill located in San Fernando, Cebu. Oversea pa rin and pag aari pa rin ni Mr. Co. tas ang laki ng feed mill nila. i found out na yung B-Meg pala ng San Miguel eh and Oversea ang gumagawa ng mga fish feeds nila. sa B-Meg lang ang raw materials tska sila na rin ang nagbibigay ng feed formulation ng feeds nila, tas Oversea lang ang nagpo-process tska nagawa ng feeds. kasi yung feeds ng Oversea, limited lang sa fish at prawn. unlike sa B-Meg and Tateh, meron din sila para sa swine and poultry. after sa feed mill, punta na kami sa hatchery which is located naman sa Minglanilla, Cebu. so doon na ang stop namin and dun din kami natulog. medyo marami yung works sa hatchery. although mostly na ginawa naman namin eh nag observed lang. kasi enough naman yung mga workers nila dun. tsaka sa sobrang bilis nila gumawa, eh baka abutin kami ng bukas kung tutulong pa kami. basically, nag feed lang naman kami ng mga sabalo (spawners na bangus) tsaka ng groupers. tas nag observe ng mga routinary works nila. eh may mga orders din sila ng penaeus tska ng bangus fry. kaya todo observe naman kami. tas dun sa last na order ng peneaus, pina try na nila kami kung pano yung packing nila. bale estimate lang nila kung ilang fry yun. pero binibilang kada isa tas estimate lang nila yung nilalagay sa malaking palanggana. after sa hatchery, nagliwaliw na kami sa cebu city! we went to mactan airport, then sa lapu-lapu shrine, tas sa magellan's cross (atlast nakapunta din ako!) and sa taoist temple! yun yung mga lugar na halos iyakan ko sa mama ko na mapuntahan namin sa cebu! hahaha!! medyo bitin muna kwento ko ha? gotta go na eh. |
| Leave a Comment: |